Lady's Letter to God
Dear Lord,
Eto ang problema ng taong sentimental, sumusulat, at tumutugtog ng
gitara. Iyakin, madaming sinasabi, at madrama. Siguro nga, malungkutin ako,
exactly the opposite ng nakikita ng karamihan. Hindi sa I’m having a split personality,
pero mas nadadalian akong ngumiti kesa ipaliwanag sa mga tao kung bakit ako
malungkot.
Ngayong araw pinagalitan ako ng nanay ko Lord. Hinahanap nya kasi
yung bag nyang pink na hindi ko malaman kung san ko nalagay. At dahil
nagmamadali na syang umalis dahil hinihintay sya ng sasakyan sa labas, umaakyat
na ang dugo nya. Mga 7am siguro narinig ko syang ginigising ako ng pasigaw at
yung nga, hinahanap nya yung bag. Eh kakamulat ko pa lang syempre yung utak ko
hindi pa nagpafunction ng maayos, hanggang sa nagtataas na sya ng boses. Nasa
peak sya ng emotions nya kaya kung ano-anong masasakit na salita ang lumabas sa bibig nya.
Sabi ko sa isip ko Lord, “Bat ngayon nya lang kase hinahanap alam
nyang aalis pala sya edi sana inaayos nya na kagabi gamit nya.” Pero naisip ko
Lord, umiral na naman ang pagmamagaling ko. Alam kong may mali din naman ako.
Pero sa ‘twing mangyayari kase yung ganito Lord, inuungkat nya lahat ng dati
pang nagyari, pati yung buong pagkatao ko, nakakalkal.
Kung tatanungin mo ko Lord kung galit ako sakanya, hindi ako. Pero
sobrang nasaktan ako.
Sa tuwing tinatry ko po kaseng magbago, isang pagkakamali lang, lahat
ng pinagbago ko, nakakalimutan nila. Pag gumagawa ako ng mabuti, isang
pagkakamali lang sobrang sama ko na. Hindi nga yung pisikal na body yung
nasaktan pero yung spirit ko, yung moralidad ko bumabagsak. Lahat ng pagbibuild
Mo sa confidence ko, nawawasak.
Bakit po ganon Lord.
Nakakapagod po, kahit anong higa, tulog, kain, hindi napapawi. Kaya
po masasabi kong hindi ako nagprepretend na masaya pag nasa church, kase dun
lang ako nagiging sobrang saya talaga, kase alam ko nakakasama kita, kasama ang
mga taong kapareho ko. Nakikita kase Kita Lord pag nakikita ko ang mga kapatid
ko sa church.
Sana, sana Lord pwede Kitang mayakap. At iiyak ako ng madaming madami
at hahaplusin mo yung buhok at sasabihin Mo sa kin na, “Okay lang yan, anak.
Magpatuloy ka lang, kasama Mo naman ako naalala mo? Hindi ko naman tinitignan
kung gano na kadami ang nagawa mong mabuti, ang tinitignan ko kung gano ka
ka-willing na magbago at wag sumuko. Mahal na mahal kita.”
-
-
-
-
Pero okay na din yon, okay na din na hindi naliligtas ang tao sa
mabubuti nyang gawa, kase sabi sa salita Mo, kung sinunod ko ang siyam sa
sampung utos at nagkamali sa isa, nagkamali na din ako sa lahat. Kaya salamat
po Lord, dahil isang gift ang kaligtasan na kapag tinanggap Kita bilang
Panginoon at Tagapagligtas, I will be saved. Now, I’m saved.
Isang drum man ang iniyak ko ngayong araw, napakabuti Nyo pa din po
Lord kasi binigyan Nyo ko ng hindi perpekto nanay pero sobrang mapagmahal.
Tulad ko at ng ibang tao, we have our ups and downs. Kaya I understand her.
Madalas nga Lord naiisip ko sana kasama na kita, pero sa tuwing
titignan ko ang buhay ko at ang mga nagawa ko na para Sayo, hindi sapat para sa
lahat ng kabutihan Mo. Kaya magtitiis ako na mabuhay at isacrifice ang buhay ko
para sa mga plano mo sa akin at sa ibang tao.
Lord, napakaganda ng pangalang Jesus Christ.
Yours Truly,
Lady Diana
Comments
Post a Comment