“Crazy, Holy Grace.”
Parang feeling ko lahat naman ng tao gustong napapansin (sa
positibong aspeto) at hindi ako makapaniwalang meron pala talagang taong
gustong nakatago lang.
“Ayoko yung napapansin, gusto ko kung may nagawa man ako na
nagandahan sila o nagustuhan nila, gusto ko nandyan lang ako, sa likod.”
Minsan naiisip kong isang sign yun ng pagkakaroon ng mababang
self-esteem. Pero narealize kong hindi din pala. Maayos naman siyang
makipagusap. Nasasabi naman niya ng maayos ang mga punto niya. Pero sobrang
tahimik niya. Hindi ka niya kakausapin kung di mo siya kakausapin, parang ako
lang, pero mas level up yung kanya na naiintindihan ko naman dahil mga total
strangers kami sa paningin niya.
“Bakit antahimik mo?” tanong ko.
“Ewan,
ganito talaga ako eh,” sagot niya.
Tahimik din naman ako ah, ‘pag tulog. No, pero tahimik lang din
naman ako pero hindi tulad nung kanya. Pero narealize kong katulad ko lang din
naman siya sa ibang bagay. Nahihiya din akong makipagusap sa ibang tao kahit
gusto ko pa.
“Mula nung bata ako ganito nako. Iyakin pa ‘ko, kaya hindi ko alam
kung pano ko nakayanang mag-isa dito sa Manila,” dagdag niya.
Totoo nga ‘to:
Meek is not weak, but rather meekness is strength under control.
Tahimik siya, kaya mas matalino siya. Tahimik sya, kaya mas
nakakapagmasid siya, mas nakakapag-isip ng maayos at mas kalmado. Ayos din at
cool ang tahimik.
Kung idedescribe ko siguro siya with the normal human
personality description, well, mukha siyang boring talaga for me. Book-reader,
journal-writer, web designer, doesn’t take risk in clothes, hair down and up
only every time, so not-too-simple huh.
But I guess in order to be cool, one must stop being one.
Just be weird, wear clothes you think look good on you and which
describe your personality regardless of what other people would think. Please yung
desente naman.
“May pinag-pray ka ng guy?” tanong ko.
“Oo..” nahihiyang
sagot niya.
(Yes! Normal siya. Normal siyang tao.)
“Sino?”
-
-
-
-
“Ako,
wala pa naman, pag kinakausap ko si Lord sa mga bagay na ganyan parang binibiro
ko lang Siya na ‘Oh Lord, pwedeng siya nalang? Sige na naman oh,’ pero hindi
seryoso,” pagkukwento ko.
Parang feeling ko pag kunwari may nagkakagusto sa akin, usually parang
imbes na maflatter ako, mas naiintimidate ako kase parang pinapafeel sa akin na
hindi ko kayang alagaan ang sarili ko which is not true. I can take care of
myself.
“Tsaka
hindi ko pa naiisip yan, hindi pa ako ready. Gusto ko pang magtravel alone. Do
things alone,” sabi niya.
-
-
I guess being alone doesn’t have to make you feel lonely at the
same time.
She is the “I’m-alone-but-I’m-not-lonely” girl.
-
-
-
-
“Grace
lang talaga ni Lord,” ang laging
sabi nya.
-
-
-
May nabasa ako, ang point daw ng
grace ni Lord ay hindi para i-condemn ka kasi mas lalo mong na-f-feel na
makasalanan ka, pero the real point of God’s grace is para mas marealize mo
that despite of those unforgivable sins ay may hindi masukat na pagmamahal si
Lord sayo to forgive and forget your sins.
He justified us,
PINAWALANG-SALA.
PI-NA-WA-LANG-SA-LA.
INARING MATUWID dahil sa pagkamatay ni Jesus.
PI-NA-WA-LANG-SA-LA.
INARING MATUWID dahil sa pagkamatay ni Jesus.
“Crazy,
holy grace.”
Crazy, holy grace ang describe nila sa God’s love. (credits to Max Lucado’s No Wonder They Call Him Savior)
Illogical daw kase ang grace ni Lord, hindi makatotohanan, mahirap paniwalaan, isang
malaking kalokohan (excuse me), pero sabi ni Max,
“Grace
doesn’t have to be logical, if it is logical, then it’s not grace.”
Never ko sigurong maiintidihan ang depth ng pagmamahal ni Lord. Sa tuwing iisipan kong papano, gaano, at bakit, sumasakit ang ulo ko. Hindi kaya ng brains ko.
Pero hindi ko naman kailangang maintindihan, basta ganun eh,
tatanggapin ko na lang ang mga magagandang bagay na pinangako ni Lord,
magrereklamo pa ba ‘ko diba?
-
-
-
Sapagkat
ang mensahe ng krus ay isang malaking kalokohan sa mga taong mapapahamak dahil
sa hindi paniniwala sa pagkamatay ni Kristo upang sagipin ang mga tao sa pagkakasala, pero para sa aming sinagip at
babalikan Niya, ito ay ang kapangyarihan ng Panginoon. (Translations
mine, 1Corinthians1:18)
Bye for now!
Buong pusong sumasainyo,
Lady Diana
Comments
Post a Comment