THE FRIEND’S CODE OF ETHICAL CONDUCT
Invented by one hot freak, me of course
Last time I was asked by my
bestfriend, “Anong meaning ng enemy
sayo?”
“Hindi ko
alam eh, hanggang ngayong I’m trying to figure out kung anong meaning non. Kase
ako kung hindi ko siya kaibigan, hindi naman ibig sabihin kaaway/enemy ko siya.
Meron din naman akong mga taong hindi gusto, pero sa tuwing nalalaman ko yung
mga istorya ng buhay nila, nagkakaroon ako ng reason para maintindihan sila.”
-
-
-
-
Ang sabi ko sa isang kapatid, “Alam mo dahil tayo ay mga Kristyano na,
hindi na tayo i-tetempt ni Satan sa pag-inom ng alak, paninigarilyo, pagpatay
ng tao, pagnanakaw and the like kase alam nyang kayang-kaya nating hindi gawin
yon. Pero itetempt nya tayo sa mga bagay na akala natin, hindi naman kasama sa
listahan ng mga kasalanan, na hindi ito galing sakanya at galing lang sa gawa
ng tao. Ipapakita nya na parang normal lang na nangyayari ang mga bagay na yon.”
Si Satan, mapagpanggap yan
nagpapanggap na isang mabuting bulong sa mga utak natin. Pinakamagaling sya sa
pagmi-mix na KONTING kasamaan sa kabutihan. Anong ibig sabihin ko sa konti?
Tandaan mo, ang katotohanan ay wagas
na TOTOO. Kahit saang anggulo, totoo and tunay.
Pero ang gawa ni Satan, ganito, sa
isang malinis na papel, papatakan nya ng isang maliit na tinta. Maliit lang,
para hindi mapansin na dumi yon, maliit lang para yung mas malaking malinis na
parte lang ang makikita sa pagkakasala.
-
-
-
Delikadong mga gawa. Notorious.
Kumbaga ganito sya, alam nyo naman ang kwento ng Hansel and Gretel no? Hindi
ito eksakto pero parang ganito siya magtempt.
ETO YUNG TRUTH:
Minsan may dalawang batang napadpad sa isang napakagandang bahay na gawa sa mga kendi at tsokolate. At dahil mga bata nga sila, ang kendi at tsokolate ang pinakaimportanteng bagay sa kanila. Lumabas ang isang babaeng may suot na belo at inanyayahan silang pumasok sa loob para naman mabahagian sila ng mga pagkain. Sa loob ng bahay, naging napakabuti ng babae, hanggang sa kumuha sya ng isang patalim, osige gawin na nating dagger at nasa aktong sasaksakin ang mga bata habang nahulog ang belo nya at lumabas ang tunay niyang mukha, witch siya diba? So natakot ang mga bata at pinilit na makalayo.
Minsan may dalawang batang napadpad sa isang napakagandang bahay na gawa sa mga kendi at tsokolate. At dahil mga bata nga sila, ang kendi at tsokolate ang pinakaimportanteng bagay sa kanila. Lumabas ang isang babaeng may suot na belo at inanyayahan silang pumasok sa loob para naman mabahagian sila ng mga pagkain. Sa loob ng bahay, naging napakabuti ng babae, hanggang sa kumuha sya ng isang patalim, osige gawin na nating dagger at nasa aktong sasaksakin ang mga bata habang nahulog ang belo nya at lumabas ang tunay niyang mukha, witch siya diba? So natakot ang mga bata at pinilit na makalayo.
Eto naman kung pano magsinungaling
yung kalaban.
SATAN’S POINT OF VIEW:
Minsan may dalawang napakacute at babait na bata na napadpad sa isang napakagandang bahay na gawa sa mga tsokolate at kendi. Natuwa ang mga bata ng lumabas ang isang napakaamong babae, natuwa sya at ininyayahan ang mga bata sa loob upang mabigyan ng pagkain sapagkat sabik sya sa mga bata sapagkat wala syang anak. Sa loob ng napakagandang bahay, naupo ang magkapatid. Habang pumunta sa kusina ang babae upang ihanda ang mga pagkain. Habang nagkukwentuhan ang magkapatid, nakarinig sila ng kaluskos sa bandang likod at napatingin at nakita ang babae na aktong sasaksakin sila, nagulat ang mga bata, ngunit tumawa ang babae. At ang sabi nya, “Pasensya na, hihiwain ko lang sana ang mga pagkain na ito, para di na kayo mahirapan kumain. Natakot ko ba kayo? Sige na, kain na.” At kumain ang mga bata ng masarap. At pagkatapos ay nangyari ang hindi inaasahan.
-
-
-
-
Nakukuha nyo ba ang punto ko?
Sa lahat ng bagay inaabangan tayo
ni Satan at ng mga kampon nya. Parang nasa Hunger
Games: Catching Fire tayo, REMEMBER WHO THE REAL ENEMY IS. Kase kapag
nagkamali ka ng tutok ng pana, baka yung mga taong malalapit sayo ang masaktan
mo pa.
Narealize ko din habang kausap ko ang
isang taong matagal ko ng hindi makausap ng maayos sa iilang bagay dahil sa
nangyari sa mga buhay namin. Nalulungkot ako kase isa sya sa mga taong
naniniwala akong may nakakabilib na faith kay Lord. Oo, naoffend ako. Oo
nagkamali din naman ako, oo hindi magiging katulad ng dati, but you see, the point is not making things go back to the old them, but
making things BETTER.
Ang isang maliit na gusot na di
pinagusapan, naggo-grow. Example, ang isang mabahong damit na nilagay sa
sangkatutak na malinis na damit ay manghahawa ng amoy. Meaning, nadadamay pati
yung maaayos na bagay
-
-
-
-
1. PAG-UUSAP
Kaya para sakin importante ang
pag-uusap. Kase ang pag-uusap ay gawa sa mga SALITA. At ang SALITA ay
makapangyarihan sapagkat ang Diyos ginawa nya ang mundo sa pamamagitan ng mga
SALITA. At merong natatanging SALITA na nagkatawang tao at magsasalba sa buhay
ng tao. Oh ano convinced ka na bang importante magsalita at mag-usap?
-
-
-
-
-
-
-
-
2. MAG-INGAT SA PAGUUSAP
Ngayon dahil makapangyarihan ang
salita, magingat ka sa pagbibitaw ng mga ito. Tandaan mong sa parehong bibig
you are blessing the Lord, at sa parehong bibig you are cursing men.
Okay yung pagbibigay ng opinion,
but be sure that it is a opened-ended story. Okay lang din naman ang
pagkukwento, pero clear the people listening that it is your side, and your
opinion.
-
-
-
-
3. MAKE SURE MAY NAPUPUNTAHAN ANG BAWAT PAG-UUSAP.
Sabi nga ng kaklasi ko nung retreat
namin,
“Ang mali namin, nung nakita namin ang pangit nyang ugali, imbes na
sabihin sa kanya at icorrect, iniwan namin sya at inoutcast. Pasensya na pare.”
Eto ang mga gawa ni Satan.
Mapangahas, mapanganib, nakakahawa at talagang may mapagkunwaring magandang
bagay na hatid to satisfy our guilty pleasures.
Pero tandaan nating HIGIT na
makapanyarihan ang Diyos natin. At ang gusto nya, iinvolve natin Siya sa lahat
ng detalye ng buhay natin, sa pagpili ng kakainin, sa papgpili ng damit na
susuotin, sa pagpili ng pabangong gagamitin, sa pagpili ng kakaibiganin, sa
pagpili ng boyfriend, sa pagpili ng course na kukuhanin, sa pagpili ng buhay na
isasabuhay.
Matanda na tayo, anong bang alam ko
na hindi nyo alam sa faith? Maaaring wala naman diba. Kaya isang pagpapaalala
lang. Mabuhay.
THE FRIEND’S CODE OF ETHICS (gawa-gawa lang)
“Kapag dumating yung araw na naging napakasama ko, at
nagbago ako papunta sa isang tao na hindi mo magugustuhan, at I am pushing you
away para umalis ka nalang at wag akong pakealaman sa mga ginagawa ko,
magpromise ka na hindi moko susukuan.”
Comments
Post a Comment